Minsan
Minsan
Kailan mo huling sinabing ‘Sana tama ako?’
Kailan mo huling naisip na ‘Sabi ko na nga ba?’
Hindi ba’t sa bawat pagkakataon ay inisip mong hindi ka nagkamali
At naramdaman mong talagang tama ka?
Ang sarap isipin ang bawat pagkakataong naging totoo ang pakiramdam
O di kaya’y naging sapat ang iyong pagsukat ng mga bagay
Kay sarap isipin kung tama ka ay masaya.
Sana lang ngayon… mali ako…
Dahil masakit isipin na ganun nga…
Mahirap tanggapin na wala na…
Paano maiintindihan?
Hanggang saan ko titiisin?
Minsan kong iniwasan…
Pilit kong tinakasan
Pero bakit ganito?
Saan ako nagkulang?
Iba’t iba ang naramdaman ng dibdib
Hindi alam kung saan babaling
Babalikan ko ba ang kahapon
At sarili ay sisihin?
Luha ay dumadaloy
Di alam ang dahilan
Ikaw ba ay minahal
O ginawang kasangkapan lamang?
Paano ibubulong ang damdaming nagsusumigaw?
Paano paagusin ang hinagpis na pumukaw
Tahimik na puso iyong ginising
Bakit ngayon iyong paluluhain?
Ilang ulit na akong nasaktan
ilang beses nasugatan
Muli bang iyong binigo?
Sana ngayong minsan… sana mali ako…